WebClick Tracer

Bagyong Queenie namumurong pumasok sa PAR

Inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) pagsapit ng Huwebes ng umaga, Setyembre 24, ang isang tropical depression na bibigyan ng lokal na pangalang “Queenie”.

Ayon sa 11 a.m. tropical cyclone advisory ng PAGASA nitong Miyerkoles, huling namataan ang tropical depression sa layong 1,855 kilometro silangan ng Southeastern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging 55 km/h at pagbugsong aabot sa 70 km/h habang kumikilos pahilagang-kanluran sa bilis na 40 km/h.

Inaasahang magiging tropical storm ito bago pumasok sa PAR at maaari pang umabot sa typhoon category pagsapit ng weekend.

Ayon sa PAGASA, inaasahang kikilos ang bagyo pahilagang-kanluran habang nasa bahagi ng Extreme Northern Luzon sa weekend.

Gayunman, hindi pa ito inaasahang direktang makaaapekto sa panahon at kondisyon ng karagatan sa bansa sa susunod na tatlong araw. (AC)