Damang-dama umano ni Pinay tennis star Alex Eala ang suporta at feeling “at home” sa Singapore bago ang kanyang pagsabak sa Singapore Tennis Open.
Ayon kay Eala, matagal na siyang sumasabak sa mga kompetisyon sa Singapore mula pa noong bata siya at masaya siyang nakabalik ngayon bilang isang professional player.
“I do feel a ton of support, and I feel so at home, you know, being in Southeast Asia, and being at such a familiar location,” ani Eala sa panayam sa WTA.
Bukod sa tennis, inirekomenda rin niya sa mga tagasuporta na subukan ang pagkain sa Singapore, habang may nais din umano siyang personal na puntahan.
“I feel like you have to try the food. I think Singapore has a great selection of things that you can do and they do it so well.”
“And I would wanna go, if I had time, to Universal. But we’ll see about that. Put a pin in it,” dagdag pa niya.
Ang Singapore Tennis Open ang nag-iisang WTA 500 tournament sa Southeast Asia ngayong taon.
Samantala, makakaharap ni Eala si Tatiana Prozorova sa Round of 16 sa Huwebes. (AC)


