WebClick Tracer

3 katao timbog sa indiscriminate firing sa Batangas

Tatlong lalaki ang inaresto ng pulisya dahil umano sa indiscriminate firing sa Rosario, Batangas.

Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente habang nag-iinuman ang mga suspek sa Purok 7, Barangay Natu noong Martes ng gabi, Setyembre 22.

Batay sa imbestigasyon, humingi ng tulong sa pulisya ang barangay chairman kaugnay ng isang away-pamilya at ilegal na pagpapaputok ng baril.

Pagdating ng mga pulis, nagpaputok umano ang mga suspek sa mga awtoridad na gumanti naman ng putok.

Kalaunan, nakipagnegosasyon ang mga suspek sa mga pulis at mga barangay official at sumuko.

Nakumpiska sa kanila ang tatlong .45 caliber pistol, apat na basyo ng bala, limang live ammunition at tatlong magazine.

Wala namang naiulat na nasugatan at haharap ang mga suspek sa kaukulang kaso. (AM)