WebClick Tracer

19-anyos na nahulog sa bangka nakaligtas matapos 4 araw sa dagat

Nakaligtas ang isang 19-anyos na lalaki matapos mahulog mula sa isang pampasaherong bangka at makaligtas sa apat na araw sa dagat sa Basilan.

Ayon sa mga awtoridad, nasagip ang lalaki na si Alpin H. Salahuddin, residente ng Sulu, noong Setyembre 21.

Natutulog umano si Salahuddin sa itaas na bahagi ng bangka nang mahulog siya sa dagat habang malakas ang ulan.

Nakipagbuno siya sa malalaking alon hanggang makarating sa Sibakil Island, kung saan siya nakita ng isang mangingisda makalipas ang dalawang araw.

Dinala siya sa mga opisyal ng barangay at kalaunan sa mga awtoridad sa Lantawan.

Matapos suriin ng mga doktor, sinabi umanong nasa maayos na kondisyon si Salahuddin, na nakatakdang ihatid pabalik sa kanyang pamilya sa Sulu. (AM)