Tuloy-tuloy ang pagbida ni Yeng Constantino sa mga ganap niya sa buhay at karera.
Kamakailan napanood sa kanyang vlog ang pag-angkas niya sa motor para makaabot sa US visa, sa latest post naman ng mang-aawit sa Cebu, ipinakita naman niya ang paraan kung paano siya mabilis na nakarating sa mismong stage ng concert niya sa SM Cebu Arena nang hindi niya kinakailangang maglakad nang malayo.
Sa IG vlog ni Yeng ibinahagi nito ang eksena niyang nakasakay sa baggage trolley habang itinutulak siya ng kanyang staff.
Sa video, maririnig na sinasabi ni Yeng na masyadong malayo ang pagitan ng pinanggalingan nya papunta sa stage para sa rehearsal.
Kinakailangan nyang isakay sa trolly para mabilis syang makarating sa location at hindi mapagod agad.
Ganito rin ang ginawa ng mga staff nya bago pa magsimula ang show.
Naka-costume na si Yeng. Naka-boots pa may takong na mataas, kaya dapat itong isakay at hindi na paglakarin pa papuntang entablado.
Aliw na aliw ang mga netizen at solid ni Yeng sa paandar nito. Para kasing bata ang manga-awi na nilalaro ng kanyang mga kapwa bata.
Anyway, ready na si Yeng sa susunod nitong schedule, at ito ay sa US. (Rey Pumaloy)


