Tulad ng inaasahan, hindi dinaluhan ni Vice President Sara Duterte ang plenary deliberation sa budget ng Office of the Vice President (OVP) na nagkakahalaga ng P785.2 million para sa susunod na taon o 2027.
Maging ang kanyang chief of staff na si Atty. Zuleika Lopez ay hindi dumalo sa plenary deliberation dahil si Assistance Chief of Staff Lemuel Ortonio ang tanging mataas na opisyal na in-acknowledge sa plenaryo ng Kamara.
Si Lopez ang kumatawan sa OVP noong isinalang sa committee deliberations ang budget ng mga.
Gayunpaman, hindi na binusisi ulit ang pondo ng pangalawang pangulo matapos magmosyon si House deputy minority leader at ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio na i-terminate ang period of interpellation sa OVP budget.
Sinegundahan naman ito ng mayorya kaya inaprubahan ni presiding speaker at Deputy Speaker Paolo Ortega V ang mosyon ni Tinio na i-terminate ang period of interpellation sa OVP budget.
Si Palawan Rep. Jose “Pepito” Alvarez ang nakatokang magdepensa sa budget ng OVP kaya hanggang tenga ang ngiti nito nang ipa-terminate ni Tinio ang budget deliberation sa pondo ng pangalawang pangulo. (Bernard Taguinod)


