Pinagtibay na ng Senado at House of Representatives ang reconciled version ng panukalang nagpapalawak sa Government Assistance to Students and Teachers in Private Education Act.
Sa nasabing panukala, itatatag ang mas modernong Basic Education Voucher Program na sakop na ang mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 6.
Pangunahing may-akda ng panukala sina EDCOM 2 Co-Chairpersons Senador Bam Aquino, Senador Joel Villanueva, Rep. Roman Romulo at Rep. Jude Acidre, kasama sina Senate President Sherwin Gatchalian, Senadora Loren Legarda, Rep. Zia Alonto Adiong at Rep. Anna Victoria Veloso-Tuazon.
Isinagawa ang repormang ito sa gitna ng matinding kakulangan ng mga silid-aralan sa buong bansa.
Ang nasabing panukala, na isa sa mga sertipikadong priority measure ng Legislative-Executive Development Advisory Council, ay naglalayong ireporma ang tulong pinansiyal ng pamahalaan sa pribadong sektor ng edukasyon. (IS)


