Dinalaw ng mga kaibigan niya si Lakambini “Lakam” Chiu, nakatatandang kapatid ng aktres na si Kim Chiu, sa Kamuning Police Station sa Quezon City nitong Martes, Setyembre 22.
Nahaharap ang 45-anyos na negosyante sa 124 counts ng qualified theft kaugnay ng umano’y paglustay o pagkuha ng pondo ng kompanyang pagmamay-ari ng magkakapatid na Chiu.
Noong Disyembre 2025, isinampa ni Kim ang reklamo matapos umanong matuklasan ang mga iregularidad sa pananalapi ng kompanya.
Inaresto si Lakam noong Setyembre 20 sa Barangay Wack Wack, Mandaluyong City.
Kasalukuyan siyang nasa kustodiya ng Kamuning Police Station 10 at kinilala bilang No. 6 Most Wanted Person nito. (IS)


