Magdadala ng pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa ngayong Martes, Setyembre 22, ang trough ng isang low pressure area (LPA), ayon sa PAGASA.
Ayon sa PAGASA, may katamtamang tsansa ang LPA na maging tropical depression sa loob ng susunod na 24 oras.
Huli itong namataan sa layong 1,805 kilometro silangan ng Eastern Visayas sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
Inaasahan naman ang kalat-kalat na ulan at thunderstorms sa Eastern Visayas, Caraga, Bohol at Davao Oriental dahil sa trough ng LPA.
Sa ibang bahagi ng bansa, posible ang isolated rain showers dahil sa habagat at localized thunderstorms. (AM)


