WebClick Tracer

Tiangco: May salisi gang sa loob ng Congress

Sinabi ni Navotas City Rep. Toby Tiangco na may “salisi gang” sa loob ng Kongreso dahil sa biglaang pagbabago sa schedule ng deliberasyon sa budget ng Kamara.

Sa programang “On Point” ng Bilyonaryo News Channel, sinabi ni Tiangco na nakatakda sanang talakayin ang budget ng Kamara sa September 24 pero inurong ito sa September 17.

Ayon sa kongresista, bandang alas-2 ng madaling-araw ipinadala sa mga mambabatas ang email tungkol sa pagbabago ng schedule, ilang oras bago ang nakatakdang deliberasyon.

“Sino nga magbabasa ng email at 2 a.m.?” saad niya kay BNC anchor Pinky Webb.

“Sabihin lang kasi dinifer daw ‘yung Department of Tourism. The natural thing you would do is kung 17, doon ka kukuha sa 18 at 19. Kasi ‘yun ang naka-schedule,” aniya pa.

Paliwanag pa niya, may schedule ang budget deliberations para magkaroon ng sapat na oras ang mga mambabatas na paghandaan ang kanilang mga itatanong.

“‘Yung medyo baka nakahanda ka na noon… para sa akin, ano ‘yun eh… talagang sa diretsahang usapan, ano ‘yun eh, may salisi gang doon sa loob ng Congress. Saka alam nila that I was on travel,” wika niya.

Naniniwala raw si Tiangco na ang desisyon na ilipat ang House budget deliberations ay upang pigilan siya sa pagtatanong.

Panoorin ang buong panayam sa September 22 episode ng “On Point”.

Napapanood ang programa tuwing Lunes hanggang Biyernes, 7:30 ng gabi sa Free TV: Channel 31, Cignal: Channel 24, Samsung TV Plus, TCL Smart TVs, Cignal Play, at sa official BNC YouTube and Facebook pages. (IS)