Binilang ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga senador na umano’y hindi na makakalahok sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Roque na dahil sa mga senador na wala o hindi na umano magiging available sa paglilitis, nasa 10 boto na lamang ang kailangan para maabot ang bilang na kinakailangan para ma-convict si Duterte.
Isa-isang binanggit ni Roque ang mga senador, na ayon sa kanya, ay hindi na makakalahok sa impeachment trial.
“Una si Bato. 23 natira. Tapos si Jinggoy. 22 natira. Tapos si Marcoleta. 21 natira. Tapos si Loren. 20 natira. Tapos yung 2 Villar. 18 matitira. Tapos si Allan. 17 matitira. Tapos si Bong Go. 16 ang matitira. Tapos si Robin. 15 ang matitira,” ani Roque.
Dahil dito, sinabi niya na “10 na lang ang kailangan para matanggal si VP Sara.”
“Payag ba kayo?” dagdag ni Roque sa kanyang post. (IS)


