Hindi itinanggi ni Robb Guinto na mabilis nahulog ang loob niya kay Yasser Marta nang una niya itong makilala at makakuwentuhan.
Ayon kay Robb, isa sa mga unang bagay na napansin at nagustuhan niya sa binata ay ang pagiging mapagmahal nito sa kanyang ina.
Doon daw niya mas nakilala ang ugali at doon din nagsimulang magkaroon ng espesyal na paghanga ang aktres sa aktor.
Naniniwala kasi si Robb na kung ang isang lalaki ay marunong magmahal at rumespeto sa kanyang ina ay malaki ang posibilidad na ganoon din siya magmahal at mag-alaga sa babaeng magiging asawa o partner niya.
Para kay Robb, hindi lamang pisikal na atraksyon ang dahilan kung bakit siya humanga kay Yaser. Mas nakita raw niya ang magandang ugali nito lalo na ang pagmamahal nito sa pamilya.
Kaya naman hindi nakapagtatakang naging espesyal para sa aktres ang kanilang pagsasama sa pelikula lalo na’t dito nabuo ang kanilang pagmamahalan.
Samantala, kuwento ni Robb ay naiintindihan naman daw ni Yaser ang mga eksenang kailangang gawin niya lalo na ang mga bahagi ng pelikula na nangangailangan ng mas daring at sexy na pagganap.
Ayon sa dalaga, bago siya tumanggap ng project ay ipinaalam niya ito ke Yasser para malinaw kung ano ang mga eksenang gagawin niya at hindi ito mabibigla.
Mas naging espesyal pa ang pagsasama nila sa pelikulang “Desperada” dahil ang binata mismo ang kapareha niya.
Bagama’t sexy ang tema ng kanilang pelikula at daring, ipinakita rito ang mas malalim na kuwento at emosyon ng mga karakter.
Lalo na ang kanyang pagganap na ayon kay Robb ay naging mas meaningful dahil sa paggabay at tiwala ng kanyang direktor na si Direk Louie Ignacio.
Para sa sexy actress, malaking bagay na nagawa niyang maipakita ang ibang mukha niya bilang artista hindi lamang ang pagiging sexy, kundi ang kakayahang umarte at magdala ng mas seryoso at emosyonal na eksena.
Nagpapasalamat din si Robb sa kanyang manager na si Lito De Guzman na producer ng pelikula na ngayon ay streaming na sa VMX. (Rodel Fernando)


