Nasawi ang isang 65-anyos na babaeng may kapansanan matapos masunog ang kanyang bahay sa Sitio Delantar, Barangay Lutucan Bata, Sariaya, Quezon.
Ayon sa Sariaya Municipal Police Station, dakong alas-7:30 ng umaga noong Linggo nang magsimula ang sunog sa maliit na bahay kung saan mag-isang nakatira ang biktima.
Batay sa salaysay ng kanyang kamag-anak, sinubukan umano siyang ilabas ng isang kamag-anak ngunit hindi na umano ito nailabas dahil sa tindi ng init at apoy.
Pagdating ng mga tauhan ng pulisya at Bureau of Fire Protection-Sariaya, tupok na ang buong kabahayan at wala ng apoy, ngunit hindi na nakaligtas ang biktima. (Ronilo Dagos)


