WebClick Tracer

PNP: Mga aktibidad, protesta sa Martial Law anniv mapayapa

Mapayapang natapos ang mga kilos-protesta at iba pang aktibidad kaugnay ng ika-54 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Ayon sa PNP nitong Martes, 14 rally at pagtitipon ang minonitor sa National Capital Region (NCR), na tinatayang dinaluhan ng 1,620 katao. May mga katulad ding aktibidad na minonitor sa iba pang bahagi ng bansa.

Sinabi ng PNP na lahat ng minonitor na pagtitipon ay natapos nang mapayapa hanggang alas-6:30 ng gabi noong Setyembre 21..

Nagtalaga umano ang pulisya ng naaangkop na police presence at nagbigay ng seguridad habang pinaiiral umano ang maximum tolerance at iginagalang ang karapatan ng mga kalahok sa mapayapang pagtitipon. (AM)