Maglulunsad ang transport group na PISTON ng dalawang araw na nationwide transport strike sa Setyembre 29 at 30.
Ito ay bilang protesta umano sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.
Ayon kay PISTON president Mody Floranda, makikilahok sa protesta ang mga driver, operator, labor group, at urban poor group.
Panawagan nila sa gobyerno ang pag-alis sa excise tax at value-added tax (VAT) sa mga produktong petrolyo upang mapababa ang presyo ng langis. (AM)


