WebClick Tracer

PBBM, European Commission chief nag-usap sa free trade deal

Nakipag-usap si Pangulong Bongbong Marcos kay European Commission President Ursula von der Leyen nitong Martes, Setyembre 22 sa pamamagitan ng phone call.

Ito’y upang markahan ang malaking progreso sa negosasyon para sa Free Trade Agreement ng Pilipinas at European Union (EU).

Ayon sa Pangulo, mahalagang hakbang ito sa matatag na partnership ng Pilipinas at EU at sa kanilang layunin na magkaroon ng bukas at patas na kalakalan.

Inaasahan aniyang magkakaroon ng mas maraming oportunidad para sa negosyo at investments, makalikha ng mga trabaho at mapalalakas ang supply chains sa nasabing kasunduan.

Sinabi rin ng Pangulo na sisikapin ng pamahalaan na mapakinabangan ng mga Pilipinong magsasaka, manufacturer, consumer at micro, small and medium enterprises ang mga oportunidad na dulot ng kasunduan.

Maaari rin umanong magbukas ito ng mga bagong oportunidad para sa Pilipinas sa artificial intelligence, digital technologies at iba pang mahahalagang sektor.

Inaasahan niya ang pormal na pagtatapos at tuluyang paglagda ng mahalagang kasunduang ito. (IS)