WebClick Tracer

Pananaw ng doktor dinala ni Rep Gato sa Kongreso – Speaker Dy

Kinilala ni Speaker Faustino Dy III ang namayapang si Batanes Rep. Ciriaco Gato Jr. na nagdala umano ng pananaw ng isang doktor sa Kongreso.

Kasabay nito ay nagpahayag ng pakikiramay si Dy sa pagpanaw ni Gato na iginugol umano ng malaking bahagi ng kanyang buhay sa pagseserbisyo publiko.

“Lubos na nakikiramay ang buong Kapulungan ng mga Kinatawan sa pamilya at mga mahal sa buhay ni Congressman Ciriaco Gato,” sabi ng lider ng Kamara.

“Nakikiisa rin tayo sa buong lalawigan ng Batanes na nawalan ng isang lingkod-bayan na matagal nilang pinagkatiwalaan upang maging kanilang kinatawan sa Kongreso,” dagdag pa ni Dy.

Pumanaw si Gato noong Setyembre 21. (Billy Begas)