WebClick Tracer

P1.7M alok na pabuya sa makakahanap ng nawawalang pusa sa Qatar na si ‘Rex’

Isang pabuya na nagkakahalaga ng halos P1.7 milyon o 100,000 Qatari Riyals ang iniaalok ng may-ari ng nawawalang pusang si “Rex” sa sinumang makapaghahatid nito pabalik sa kanyang tahanan.

Nawala si Rex noong Marso 21 sa Al Furusia Street, Muraikh North sa Al Rayyan, Qatar.

Ayon sa may-ari, si Rex ay isang orange male cat na nasa 12 hanggang 13 taong gulang at may matingkad na dilaw na mga mata.

Dahil sa laki ng pabuya, mabilis na kumalat sa social media ang impormasyon tungkol sa pagkawala ni Rex at naging usap-usapan din ito sa mga pet lover at Filipino community sa Qatar.

Nanawagan ang may-ari sa sinumang nakakita o may impormasyon tungkol sa kinaroroonan ni Rex na mag-iwan ng mensahe o tumawag agad sa 70469846. (Joseph Timothy Rivera)