Pinabulaanan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang kumakalat na ulat na dalawang indibidwal ang nasawi sa mga kilos-protesta para sa ika-54 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law nitong Lunes, Setyembre 21.
“Based on real-time monitoring and the reports submitted by our personnel on the ground, no fatalities or casualties occurred during the activity,” anang NCRPO sa isang pahayag nitong Martes.
Nagkaroon umano ng maikling tensyon sa naturang mga aktibidad ngunit agad itong nalutas sa pamamagitan ng dayalogo at mahigpit na pagpapatupad ng maximum tolerance.
“Overall, the rally remained peaceful and orderly,” dagdag nito.
Hinimok naman ng NCRPO ang publiko na beripikahin muna ang mga impormasyon sa mga awtoridad bago magbahagi ng mga post na maaaring magdulot ng hindi kinakailangang pangamba. (AC)


