WebClick Tracer

Nalampasan ‘Shrek’ rating: DreamWorks film na ‘Forgotten Island’ umiskor ng 100% sa Rotten Tomatoes

Ang pelikulang Forgotten Island ng DreamWorks na umiskor ng 100% Tomatometer rating sa Rotten Tomatoes.

Umiskor ng 100% Tomatometer rating sa Rotten Tomatoes ang bagong animated film ng DreamWorks Animation na “Forgotten Island”, na pinuri ng mga kritiko dahil sa visuals, emosyonal na kuwento, at paggamit ng mitolohiyang Pilipino.

Batay sa 22 review na nakalista sa Rotten Tomatoes, nakakuha ang pelikula ng perfect score, na nalampasan ang rating ng mga pelikulang “How to Train Your Dragon” at “Shrek.”

Dahil dito, itinuring ang “Forgotten Island” bilang pinakamataas ang Tomatometer rating na pelikula ng DreamWorks sa naturang review-aggregation site.

Ang pelikula ay dinerehe nina Direk Joel Crawford at Direk Januel Mercado, kung saan binigyang-boses nina Grammy at Academy Award-winning singer H.E.R. at aktres na si Liza Soberano ang mga bida.

Tampok sa pelikula sina Jo at Raissa, dalawang matalik na magkaibigan na napadpad sa mahiwagang isla ng Nakali, kung saan sila nakatagpo ng mga nilalang mula sa Filipino mythology. (AM)