WebClick Tracer

Mga PWD sa Laguna unang benepisyaryo ng Bagong Pilipinas Rice Program

Executive Secretary Ralph Recto pinangunahan ang rollout ng Bagong Pilipinas Rice Program para sa mga PWD sa Laguna.

Mula sa dating Libreng Bigas ng Pangulo program, may bago nang pangalan ang programa — ang Bagong Pilipinas Rice Program na inilunsad sa lalawigan ng Laguna.

Pinangunahan ni Executive Secretary Ralph Recto ang provincial rollout ng programa, kung saan 500 persons with disabilities (PWD) ang unang tumanggap ng tig-10 kilo ng bigas.

Layunin nito na matugunan ang pangangailangan sa pagkain ng mga mahihinang pamilya habang sinusuportahan ng gobyerno ang mga lokal na magsasaka.

Ang gobyerno ang direktang bibili sa ani ng mga magsasaka at ibinibigay ito ng libre sa mga pamilyang higit na nangangailangan.

Matatandaang sinimulan ng gobyerno ang pamamahagi ng tig-sampung kilo ng bigas sa mga mahihirap na sektor nitong nakalipas na mga buwan kung saan tatagal ito hanggang sa pagtatapos ng taon upang suportahan ang mga pamilyang higit na nangangailangan at mabawasan ang mga nagugutom na pamilyang Pilipino. (Aileen Taliping)