WebClick Tracer

Mayor Baste Duterte ‘nangumpisal’ sa GenCorp contract – prosecution

Itinuturing ng prosecution team na hindi lang pag-amin kundi isa umanong confession o pangungumpisal ang pahayag ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte na hindi lamang P14.3 milyon ang nakuhang kontrata ng GenCorp Industries Inc. sa Davao City hall kundi P33.2 milyon.

“In fact, para maintindihan ng publico, confession yan. Parang priest penitent, what do you do when you confess to the priest, you’re admitting your sins, right? This is not only an admission, it is a confession,” ani private prosecutor Atty. Lorna Kapunan.

Sa inilabas na statement ng kapatid ni Vice President Sara Duterte, nilinaw nito na hindi lang P14.3 million ang nakuhang kontrata ng Gencorp sa Davao City Hall na unang lumitaw sa Impeachment court kundi P33.2 million.

Gayunpaman, nilinaw nito na dumaan sa bidding ang nasabing kontrata at hindi umano lumabas ang pangalan ng kanyang kapatid sa nasabing kompanya at hindi rin alam ng kanyang mga tauhan na nag-apruba sa kontrata na kabilang ito sa mga kumpanyang inilista ng pangalawang pangulo sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

“Well, this could be tantamount to a smoking gun,” ayon naman kay prosecution spokesman Robert Ace Barbers sap ag-amin ni Mayor Duterte na umaabot sa P33.2 milyon ang nakuhang kontrata ng Gencorps sa Davao City.

“But we’re glad that the mayor corrected the figure. In fact, dumoble pa,” dagdag pa ni Barbers.

Sa panig naman ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na isa sa spokesman ng prosecution team, hindi talaga puwedeng maitago ang katotohanan kaya ibinoluntaryo na ito ng kapatid ng pangalawang pangulo.

“Napapansin natin, pag katotohanan ang sinasabi mas nagiging napupuntang peligro ang ating bise presidente. And that’s the only thing that we can draw from that statement of Mayor Duterte,” ani Adiong.

“So the message is just, pag nagiging truthful ang messaging nagiging piliigro ang katayuan ng ating bise presidente,” dagdag pa ng mambabatas. (Bernard Taguinod)