WebClick Tracer

KimPau movie may original theme song na

Lalong tumindi ang pananabik ng KimPaulandia sa lalabas na movie ng KimPau na “A Perfect Marriage” produced ni Atty. Joji Alonso para sa Quantum Films.

Bukod kasi sa istorya ng project, isang original theme song ang gagamitin bilang soundtrack.

Sinagot ni Atty. Joji sa IG post nya ang suggestion ng isang faney na gamitin ang duet song nina Yeng Constantino at Jay-r Siaboc na “Himala” dahil akmang-akma raw sa plot ng pelikula na may kuwento sa pinagdadaanang challenges sa buhay may-asawa, at lalo na ang pagkakaroon ng anak.

Sagot dito ni Atty. Joji binibigyan nya ng kalayaan ang kanyang mga director kung ano ang dapat nitong gawin sa kanyang trabaho.

Kasabay nito ibinalita rin nyang tapos nang i-record ang theme song.

“For any movie i produce. I allow my director a free hand to do what needs to be done. Thank you for your suggestion but an original song has been composed and recently recorded which is a perfect fit for this film. Salamat po.”

Wala pang patikim si Atty. Joji sa theme song ng pelikula, pero excited na ang mga faney na marinig ito at mapanood ang unang teaser ng movie.

Ibinalita rin kasi ni Atty. Joji na isa sa mga susunod na araw ay maipalalabas na nila ang teaser ng movie.

Samantala, sinigurado naman ni Atty. Joji na mapapanood ang movie sa abroad.

Nag-“yes” ito sa North America. (Rey Pumaloy)