WebClick Tracer

Kapatid ni Kim Chiu binansagang ‘No. 6 Most Wanted’ ng QCPD

Binansagan ng Quezon City Police District (QCPD) bilang “No. 6 Most Wanted Person” ng Kamuning Police Station 10 ang kapatid ng aktres na si Kim Chiu matapos itong maaresto kaugnay ng kasong qualified theft.

Naaresto ang 45-anyos na negosyanteng si Lakam Chiu noong Setyembre 20 sa Barangay Wack Wack, Mandaluyong City, sa isinagawang intelligence-driven manhunt operation.

Ayon sa QCPD, isinagawa ang pag-aresto batay sa warrant of arrest na inilabas ng Quezon City Regional Trial Court Branch 84 laban kay Lakam.

Nahaharap siya sa 124 counts ng qualified theft kaugnay ng umano’y paglustay o pagkuha ng pondo ng kompanyang pagmamay-ari ng magkakapatid na Chiu.

Noong Disyembre 2025, isinampa ni Kim ang reklamo matapos umanong matuklasan ang mga iregularidad sa pananalapi ng kompanya, kung saan naging bahagi si Lakam ng operasyon at pamamahala.

Itinakda ang kanyang piyansa sa P5.838 milyon.

Kasalukuyan siyang nasa kustodiya ng PS 10 para sa dokumentasyon at wastong disposisyon. (IS)

https://www.facebook.com/photo.php?fbid=1525042946316810&set=a.463839712437144&type=3&ref=embed_post