Sa pangunguna ni Speaker Faustino “Bojie” Dy III, nagbigay-pugay at nakiramay ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pamilya ni Batanes Rep. Ciriaco Gato Jr.
“Lubos na nakikiramay ang buong Kapulungan ng mga Kinatawan sa pamilya at mga mahal sa buhay ni Congressman Ciriaco Gato,” ayon sa mensahe ni Dy.
Si Gato na isang doctor ay pumanaw noong September 21, 2026 na labis na ikinalungkot ni Dy.
“Nakikiisa rin tayo sa buong lalawigan ng Batanes na nawalan ng isang lingkod-bayan na matagal nilang pinagkatiwalaan upang maging kanilang kinatawan sa Kongreso,” ayon pa sa lider Kamara.
Wala pang impormasyon kung dadalhin sa Batasan Pambansa ang mga labi ni Gato, na chairman ng House committee on halth, para sa necrological service.
“Gato brought to Congress the perspective of a physician who had spent much of his life caring for others, a background that he carried into his work as chairperson of the House Committee on Health,” ani Dy.
Inamin naman ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na ikinagulat ng buong Kongreso ang biglaang pagpanaw ni Gato na isa aniyang dedicated public servant.
“Well, unang-unang po, kami po yung nakikiramay sa pagpanaw po na isang kaibigan. Isa pong dedicated public servant Congressman Ging Gato ng Batanes, Lone District of Batanes. Kami po ay nagulat sa itong mga balitang ito dahil di ho namin inasahan na isa sa ating makaibigan,” ani Alonto.
Ayon naman kay dating Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, malaking kawalan si Gato na isa sa nagsulong aniya sa universal access for free healthcare na tinatamasa na aniya ngayon ng taumbayan.
Maliban dito, sinabi ni Adiong na kasama nito Gatos sa pagsusulong ng Philippine Autism Center para matulungan ang kabataan na may expectrum. (Bernard Taguinod)


