WebClick Tracer

Kakaiba ang trip! Jolina Magdangal, mister, mga anak abangers sa paglabas ng kidlat

May kakaibang kinahihiligan ang mag-asawang Jolina Magdangal at Mark Escueta. Ito ay ang pagkuha ng larawan ng lightning o kidlat.

Sa kanyang IG post na may message caption na “Last night’s Sightings” ipinangalandakan ni Jolina ang ilang larawan na siya mismo ang kumuha mula sa kanilang tinitirhan.

Pati raw ang asawang si Mark ay kumuha rin ng shot ng paglabas ng kidlat.

Ginagamitan muna ni Jolina ng video ang paga-abang nya sa pagsulpot ng kidlat at saka nya ito ini-screenshot.

Ang mga pic na ito ang ipinoste nya sa IG nya.

Sabi nga ni Jolina sa subtitle ng bawat photo. Mahilig raw silang mag-video ng asawa at ng mga anak nya ng kidlat.

“Pag may ganun, mahilig kami ni Mark at ng mga bata na abangan at i-video.

Sey pa nya, nagpapaligsahan pa raw sila kung sino ang may pinaka-magandang kuha.

“Minsan contest pa kami kung sino ang may pinakamagandang kuha (mala-pang National Geographic ang shot, echos lang!)”.

Napagtri-tripan man, hindi nila iniiwan sa pagkuha ng kidlat ang gabi nila. Sinusundan raw nila ito ng pag-alay ng dasal pagkatapos

“After namin gawin ito, pray kami na sana walang tinamaan ng kidlat.”

Sa huling larawan, nagbabala si Jolina sa mga tao.

“Safety reminder: Share natin ito lalo na sa mga anak natin. Pag may thunder at nasa labas ka, huwag tatabi sa puno at sa electrical posts. GO IMMEDIATELY INDOORS.”

Pinuri naman si Jolina ng ilan netizens sa ganda raw ng kuha nito sa mga kidlat. (Rey Pumaloy)