Napansin ng mga netizen ang pagiging “green flag” as a boyfriend ni Josh Ford sa latest social media post nito. Habang binubuhat niya kasi si Kira Balinger, noticeable ang hand placement niya kapag maikli ang suot nito.
Sa Facebook post ng aktor nitong Setyembre 21, makikitang paulit-ulit na binubuhat ni Josh si Kira habang paiba-iba ang mga lugar na kanilang pinupuntahan.
Naging memorable at sweet na rin nga ang pamamasyal ng KiSh kamakailan sa Hong Kong, HK Disneyland, at sa isang famous Buddha temple.
“Syempre,” maikling caption dito ni Josh, sa saliw ng sikat na kanta ni Willie Revillame.
Dahil paiba-iba ng lugar ang kanilang pinupuntahan, paulit-ulit na tila inililipat, binubuhat, at iniikot-ikot ni Josh ang nag-aabang na dalaga.
Super sweet nga ang post na iyon, na para bang magdyowa na sila for real, huh!
Reaksyon ng KiSh at ng mga netizen:
“Dun ako nakafocus sa paghawak ni josh kapag maiksi ung suot ni kira.”
“I noticed thìs too and I commend Josh for doing so. Such a gentleman.”
“Ang protective! The hand placement has me giggling.”
“Syempre himlay ang KiShes!”
Nakatakip nga ang kamay ni Josh upang hindi makitaan o masilipan si Kira habang binubuhat at iniikot-ikot niya ito. (Jun Lopez)


