WebClick Tracer

Heart Evangelista maghahasik ng ganda, kaseksihan sa Milan Fashion Week

Sa Milan, Italy naman maghahasik ng ganda, kaseksihan ang fashionista na si Heart Evangelista.

Sunod-sunod na agad ang mga post niya, mula sa pagpili ng outfit, hanggang sa mga nilalantakan niyang pagkain.

At siyempre, bongga agad ang first day high ‘fittings’ niya, ha!

May pagrampa na agad sa kalsada si Heart.

“Living as Love Marie,” ang paandar pa rin ni Heart.

“Today is all about fittings, and what I love about fittings is meeting our friends from the brands, endless chikas and cappuccinos.

“Jil Sander. That’s all!” sey ni Heart sa photo na kitang-kita ang likod niya, lalo na ang shape ng body niya.

“Diesel World. So much fun. Fitting for them. Headquarters are the best. You fit and play in their museum.”

“Fittings on/off/on/off,” saad pa ni Heart sa photo naman na pantalon na lang ang suot niya at wala nang pang-top, ha!

Pero siyempre, naisisingit pa rin ni Heart ang pagkain, kasama ang team niya.

“Wait kain muna, Tom Jones na!” chika pa niya.

“Now you see… Soon in my tummeeeeyyy!”

Next na destinasyon naman ni Heart ay ang fittings sa Maxmara na paborito nga raw niya.

“One of my top fav brands. I absolutely love working with Maxmara – the people, the vibe. Just so much love,” say pa rin ni Heart.

At siyempre, aliw talaga ang mga follower niya sa mga caption niya, tulad ng eksena na naglalakad sila.

“Mabilis kumilos. Nakapag-walking pa. walang mabubudol today.”

At `yun na, fitting na naman ang kasunod na ganap ni Heart.

“Fitting ulit. Love working with Missoni. Another brand who allows you to be you and play with your looks,” sabi pa rin ni Heart.

“Coffee and van. Please…time to take a nap, then shoot – 10pm call time,” sey pa rin ni Heart sa last slide ng photo niya.

Grabe, di ba? Ganiyan kalala ang eksena sa mga fashion week, na hindi ka puwedeng tutulog-tulog, dahil kailangan mong pagkasyahin sa isang araw ang mga gagawin mo, lalo na sa fitting pa lang.

Kaya ang mga follower niya, bilib na bilib sa energy ni Heart.

“Love everything on you.”

“Let’s fashionably rock Milan.”

“Have fun in Milan.”

“The life that everybody who’s bringing you down dreams about. Keep being you. We’re right here to support you.”

“Just vibin’ in Milano.”

“Pasavogue for sure ang Milan Fashion Week.”

Well, as always, ano pa ba ang puwede kong masabi?

Bongga! (Dondon Sermino)