WebClick Tracer

Girls’ love era? Gelli De Belen hindi kayang tikman si Carmina Villarroel

Kung si Pilar Pilapil ay game na game gumawa ng GL o ‘girls’ love’ serye o pelikula, si Gelli De Belen kaya palaban din?

Sa chikahan nga namin kay Gelli sa presscon ng ‘Mantsa’ na kung saan ay bida nga sila ni Pilar, kasama sina Shira Tweg at Khai Flores, inusisa nga siya kung game ba siyang gumawa ng GL na kasama si Carmina Villarroel?

“Hindi ko kaya! Hahahaha!

“Magtatawanan lang kami ni Mina! Hindi namin kaya `yan!” reaksiyon ni Gelli.

Eh kay Candy Pangilinan?

“Eh, mas lalong hindi ko kaya! Hahahaha!” sabi ni Gelli.

Eh, kung mas bata sa iyo o mala-cougar ang role mo, na mas batang aktor nga ang kasama mo?

“Kung sino man ‘yang younger na `yan! Go!” tili ni Gelli.

So, puwede siyang gumawa ng love story o may love angle, na kasama niya o ka-partner niya ang anak ni Carmina na si Mavy Legaspi, o kaya ni Aiko Melendez na si Andre Yllana?

“Ay, parang mga pamangkin ko na `yon! Hahahaha!” pagkontrang sagot ni Gelli.

Well, sa totoo lang, parang hindi naman nagbabago si Gelli, na parang hindi nga siya tumatanda. Sa malapitan ay very clear pa rin ang kutis niya, na wala nga siyang senyales pa ng mga wrinkles.

May kinalaman nga ang tahimik na buhay na meron siya sa piling ni Ariel Rivera.

“Feeling ko, I think it’s my disposition! Hindi naman kasi lahat ng pinagdaanan ko, o challenges sa buhay ko ay kinuwento ko. Feeling ko, more than anything, it’s how I live my life, the choices I make, siguro…” sey ni Gelli.

Kunsabagay, hindi naman nasangkot si Gelli sa mga iskandalo.

“Iniwasan ko talagga!” sagot niya.

Hindi naman siya nasangkot sa mga scam.

“Iniwasan ko talaga.”

Hindi naman siya hiniwalayan ng asawa.

“Ayaw natin ‘yon!” sey niya.

Wala ngang malalaking problema na dumating kay Gelli, kung susuriin natin, ha!

“Is that good?” tanong ni Gelli.

“Problema lang, kapag nagi-interview kayo, wala kayong matanong. Hahahaha!” tawang-tawa na sabi ni Gelli.

Kaya nga pati GL, natatanong kay Gelli, di ba?

“Oo nga, eh. Pero, napagdaanan ko na rin ang mga problema noong araw,” sey niya.

Anyway, masaya nga si Gelli sa buhay niya ngayon, sa career niya ngayon, na heto nga ang bidang-bida pa rin siya. Wish niya ay tangkilikin ng mga manonood ang pelikulang ‘Mantsa’ na prodyus nina Bambbi Fuentes at Tine Areola.

“It’s an interesting movie. It’s psychological thriller. Na whoever’s watching, parang maano siya, ano ang mangyayari?” chika ni Gelli.

Bongga! (Dondon Sermino)