Hinimok ni dating Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Deputy Governor Diwa Guinigundo ang administrasyong Marcos Jr. na ikonsidera ang pagpapataw ng wealth tax sa mayayamang Pilipino.
Sa programang “Bankero Unfiltered” ng Bilyonaryo News Channel, sinabi ni Guinigundo na dapat ding ibahagi ng mayayamang Pilipino ang pag-unlad na kanilang tinatamasa sa pamamagitan ng pagbabayad ng buwis.
Aniya, may ilan nang mayayamang Pilipino na tumutulong sa pamamagitan ng mga philanthropic activity tulad ng pagtatayo ng mga paaralan at ospital pero maaari pa umano silang gumawa ng higit pa.
“I think… kinakailangang maunawaan din nung mga mayayaman dito sa ating bansa na it is important for them to also share whatever prosperity they are experiencing,” aniya.
Mahalaga rin aniyang maging mas independent at mas responsable ang gobyerno sa pagtugon sa pagdami ng mga Pilipinong nakararanas ng kahirapan.
Ani Guinigundo, na batay sa ilang surveys, marami pa rin kasing mga Pilipino ang itinuturing ang kanilang sarili na mahirap o halos mahirap.
Panoorin ang buong panayam sa September 20 episode ng “Bankero Unfiltered” sa BNC.
Abangan ang “Bankero Unfiltered” tuwing Linggo ng 8:00 PM sa Free TV Ch. 31, Cignal Ch. 24, Samsung TV Plus, TCL Smart TVs, Blast TV, AmasianTV, Cignal Play, at sa YouTube and Facebook accounts ng BNC. (IS)


