WebClick Tracer

DOF chief nilagdaan na resolusyon para alisin excise tax sa LPG, kerosene

Nilagdaan na ni Finance Secretary Frederick Go ang resolusyon para alisin ang excise tax sa liquefied petroleum gas (LPG) at kerosene o gaas sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa tensiyon sa Middle East.

Inanunsiyo ito ng kalihim sa Senate budget hearing matapos muling igiit ni Senador Bong Go ang pagsususpinde ng excise tax sa mga produktong petrolyo.

Gayunman, hindi inendorso ng Department of Finance (DOF) ang pagtanggal o pagsuspinde ng excise tax sa gasolina at diesel.

Ayon sa DOF, maaaring umabot sa P12 bilyon kada buwan ang mawawalang kita ng gobyerno kung sususpendihin ang excise tax sa gasolina at diesel.

Sa halip, sinabi ng kagawaran na mas makakatulong umano ang pagbibigay ng targeted subsidies o ayuda sa mga sektor na nangangailangan. (IS)