WebClick Tracer

Barangay emergency vehicle na naispatang nakaparada sa lodging house sa Sibalom, Antique iniimbestigahan

Iniimbestigahan na ng mga kinauukulang awtoridad ang ulat tungkol sa isang sasakyan na umano’y barangay emergency vehicle na nakitang nakaparada sa garahe ng isang lodging house sa bayan ng Sibalom, Antique.

Sa isang official statement, nilinaw ng Municipal Government of Sibalom na hindi pagmamay-ari ng munisipyo ang naturang sasakyan at hindi ito binili o pinondohan ng Sibalom LGU.

Dagdag pa nito, hindi rin ito ang nangasiwa sa pagkuha o pagpapalabas ng pondo para sa pagbili ng sasakyan.

Patuloy rin umanong inaalam kung tunay na pagmamay-ari ito ng isang barangay at kung ano ang mga dahilan at sirkumstansiya kung bakit ito napunta sa naturang establisimyento.

“This clarification is intended to provide accurate information on the municipal government’s involvement while allowing the investigation to establish the facts,” pahayag pa nito. (IS)