Tinukuran ni Education Secretary Sonny Angara ang mga panawagang lagyan ng regulasyon ang paggamit ng social media at online gaming ng mga batang wala pang 15 o 16 taong gulang.
Sa panayam sa media habang nasa Kamara nitong Martes, sinabi ni Angara na nais niyang isailalim sa regulasyon ang mga app at gawing mas child-friendly o higpitan ang mga protocol para sa mga bata.
“We should regulate it, definitely… really restrict the use and make it difficult because right now, maraming groomers online. They’re supposed to be a gaming app pero talagang ginagamit for recruitment for terrorism, for nihilistic violence groups,” ani Angara.
“I think it’s about time that we really put pressure on these apps to become more child-friendly,” dagdag niya.
Gayunpaman, binanggit ni Angara na nasa Kongreso ang pagpapasya hinggil sa naturang regulasyon.
“It’s not for DepEd to say that, it’s for Congress to decide that. It’s beyond our power,” sabi pa niya. (AC)


