WebClick Tracer

Alex Eala, Mond Gutierrez nag-bonding sa Singapore!

Bago sumabak sa Singapore Tennis Open, nakipag-bonding at nakipagkuwentuhan muna si Filipina tennis star Alex Eala kay Bilyonaryo News Channel anchor Mond Gutierrez.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Mond ang larawan nilang dalawa ni Alex.

Kitang-kita sa larawan ang magandang ngiti ng dalawa.

“Singapore, served. Chatted with @alex.eala before exploring @sgtennisopen and catching the action across @thekallang.sg. Let’s go, Team PH!” caption ni Gutierrez.

Itinodo ni Gutierrez ang kanyang suporta kay Eala matapos niyang personal na magtungo sa opening day ng 2026 Singapore Tennis Open kamakailan.

Ang Singapore Tennis Open ang pagbabalik-aksiyon sa tennis court ni Eala matapos ang pagkalaglag niya sa third round ng US Open kontra Iva Jovic ng United States nitong Sept. 6. (IS)

https://www.instagram.com/p/Ddk3eHakWUu/?hl=en&img_index=8