Kinilala ang Abante Radyo bilang Outstanding News and Public Service Radio Station sa 4th Philippine Finest Business Awards & Outstanding Achievers 2026.
Ayon sa Philippine Finest Awards, ipinagkaloob ang pagkilala bilang pagpupugay sa tapat na paghahatid ng balita, mabilis na aksyon, at malasakit ng istasyon sa publiko.
“Your commitment to truth and genuine public service is what makes you truly FINEST and outstanding!” saad pa nito.
Tiniyak naman ng Abante Radyo ang patuloy nitong dedikasyon para magserbisyo sa mga Pilipino sa pamamagitan ng ibinabahagi nitong makabuluhang impormasyon at entertainment.
Kinikilala ng Philippine Finest Business Awards & Outstanding Achievers ang mga indibidwal at organisasyong nagtataguyod ng pinakamahusay na mga gawain para sa kapakanan ng mga consumer, kalidad, at serbisyo. (AM)


