Birthday: KITKAT
VIRGO
(Agosto 23- Setyembre 23)
Mapapagaan ang pakiramdam mo kapag binalikan mo ang mga lugar na puno ng masasayang alaala. Lucky number for today: 14
LIBRA
(Setyembre 24- Oktubre 23)
Panahon na para unahin naman ang sarili. Magpahinga, mag-recharge, at ipagdiwang ang maliliit na tagumpay. Lucky number for today: 8
SCORPIO
(Oktubre 24 -Nobyembre 22)
Pabor ngayon ang matapang na desisyon sa pera. Ipaglaban ang alam mong makabubuti sa kinabukasan mo. Lucky number for today: 1
SAGITTARIUS
(Nobyembre 23 -Disyembre 21)
Maging maingat sa kilos at salita. Isang maling reaksyon lang, puwedeng magdulot ng problema. Lucky number for today: 4
CAPRICORN
(Disyembre 22- Enero 19)
Kapag nakakaramdam ng lungkot, ilihis ang isip sa travel plans o masasayang alaala. Lucky number for today: 6
AQUARIUS
(Enero 20- Pebrero 18)
May darating na bunga ng iyong pagsisikap. Maghintay nang kaunti bago gastusin ang gantimpala. Lucky number for today: 12
PISCES
(Pebrero 19 – Marso 20)
Posibleng magkaroon ng hamon sa trabaho, kalusugan, o alaga. Hanapin ang tamang balanse. Lucky number for today: 3
ARIES
(Marso 21 – Abril 19)
Malakas ang romantic at social energy mo ngayon. Mag-enjoy, makipag-bonding, at magpakita ng pagmamahal. Lucky number for today: 18
TAURUS
(Abril 20 -Mayo 20)
Hindi mo kailangang kontrolin ang lahat. Mas gagaan ang araw kapag natuto kang mag-delegate. Lucky number for today: 7
GEMINI
(Mayo 21 – Hunyo 21)
May blessings na maaaring dumating. Ayusin ang budget at maging mas maingat sa paggastos. Lucky number for today: 11
CANCER
(Hunyo 22 -Hulyo 22)
Patikimin ang sarili ng simpleng reward. Minsan, sapat na ang maikling pahinga para sumaya. Lucky number for today: 5
LEO
(Hulyo 23 – Agosto 22)
Mag-ingat sa padalos-dalos na desisyon. Hindi lahat ng risk ay sulit kahit gaano kaganda o nakakaenggganyong tingnan. Lucky number for today: 9


