WebClick Tracer

33% ng mga Pinoy naniniwalang bubuti ekonomiya sa susunod na 12 buwan – survey

Umabot sa 33% ng mga Pilipino ang naniniwalang bubuti ang ekonomiya ng bansa sa susunod na 12 buwan, ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa survey na isinagawa noong Hunyo 20 hanggang 29, 24% naman ang naniniwalang lalala ang ekonomiya.

Samantala, 32% ang nagsabing mananatili itong pareho, habang 11% ang hindi nakapagbigay ng sagot.

Dahil dito, umakyat sa +10 ang net economic optimism ng mga Pilipino mula sa -14 noong Marso.

Tumaas din ang net economic optimism sa lahat ng bahagi ng bansa. Pinakamataas ito sa Balance Luzon na +18, sinundan ng Visayas na +6, Mindanao na +4 at Metro Manila na -6.

Isinagawa ang survey sa 1,200 adultong Pilipino, tig-300 mula sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas at Mindanao, at may margin of error na ±3 percentage points para sa national estimates. (AC)