WebClick Tracer

1 Pinoy, 3 Korean construction manager swak sa estafa

Isang Pilipino at tatlong Korean national na construction manager ang kinasuhan ng estafa kaugnay ng umano’y hindi pagsasauli ng mga construction equipment at iba pang ari-arian ng isang kompanya sa Calamba City, Laguna.

Batay sa imbestigasyon, noong June 30, inatasan umano ng Korean manager ng Hyolim/Youlim ang mga tauhan ng Daeyun Construction Company na ihinto ang kanilang trabaho at isurender ang kanilang project identification cards, dahilan upang magsagawa ang kumpanya ng demobilization.

Naiwan umano sa project site ang ilang construction equipment, tools at iba pang ari-arian ng Daeyun na nagkakahalaga ng tinatayang P1.28 milyon.

Sa kabila umano ng mga demand ng Daeyun para sa pagsasauli ng mga kagamitan at ari-arian, nabigo umanong maibalik ang mga ito ng mga nasabing contractor at patuloy pa umanong ginagamit o hawak nang walang pahintulot ng kumpanya. (Ronilo Dagos)