WebClick Tracer

1 minuto lang: Kamara agad tinapos ang deliberasyon sa budget ng tanggapan ni VP Sara

Si House Deputy Speaker Paolo Ortega V habang pinangungunahan ang sesyon sa budget ng OVP sa Kamara de Representantes.

Isang minuto lang ang itinagal ng deliberasyon ng panukalang budget ng Office of the Vice President (OVP) nang isalang ito sa plenaryo ng Kamara de Representantes.

Sa sesyon nitong Martes, tumayo si Palawan Rep. Pepito Alvarez upang i-sponsor ang panukalang budget ng OVP na nagkakahalaga ng P785.2 milyon, mas mababa sa P889.2 milyon ngayong taon, dakong alas-9:14 ng umaga.

Sumunod na tumayo si ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio subalit hindi para magtanong kundi upang maghain ng mosyon na i-terminate ang deliberasyon na sinang-ayunan ng mayorya. Alas-9:15 ng umaga ang oras sa plenary clock.

Inaprubahan ni House Deputy Speaker at La Union Rep. Paolo Ortega V ang mosyon matapos walang marinig na pagtutol. (Billy Begas)