WebClick Tracer

Yulo brothers nanguna sa PH gymnastics sa Asian Games

Nagsabog agad ng galing ang magkapatid na Carlos at Karl Eldrew Yulo matapos manguna sa kampanya ng Philippine gymnastics team sa 2026 Asian Games sa Nagoya, Japan.

Kasalukuyang sumasabak ang magkapatid at iba pang miyembro ng Philippine gymnastics team sa qualifying round para sa prestihiyosong continental sporting event.

Sa Men’s Floor Exercise, nagtala si Karl Eldrew ng iskor na 13.966, habang mas mataas naman ang naging marka ng kanyang nakatatandang kapatid at Olympic champion na si Carlos na may 14.600. (IS)