WebClick Tracer

VP Sara masayang nakita ng ICC ang kalagayan ni FPRRD

Ikinatuwa ni Vice President Sara Duterte na personal na humarap sa International Criminal Court (ICC) ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa isinagawang status conference sa The Hague, Netherlands noong nakaraang linggo.

Ayon kay Duterte, mahalaga umanong nakita mismo ng mga judge ng ICC ang kasalukuyang kalagayan ng dating pangulo, lalo na ang kanyang edad at kondisyon ng kalusugan.

“Masaya ako na nagkaroon ng status conference at finally nakita ng mga judges kung ano ‘yung estado ni PRRD,” aniya sa isang interview.

“Nakikita n’yo na he’s of advanced age at sana ay mapag-usapan nila ‘yung estado ng kalagayan ng kanyang kalusugan,” dagdag niya. (IS)