WebClick Tracer

Ultra Lotto jackpot pumalo na sa mahigit P315M!

Umabot na sa tumataginting na mahigit P315 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 matapos na muling walang tumama sa naging draw nitong Setyembre 20.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office, walang nakakuha ng mga lumabas na numerong 28-33-20-02-16-23 sa 6/58 draw na may jackpot prize na P315,343,028.12.

Dahil dito, patuloy pang lolobo ang premyo na tiyak na aakit sa mas marami pang mananaya na subukan ang kanilang suwerte.

Samantala, wala ring nakapag-uwi ng jackpot prize para sa Super Lotto 6/49 noong araw ding iyon, kung saan lumabas ang mga numerong 05-33-29-22-12-44 na may katumbas na premyong P25,292,028.28.

Ang Ultra Lotto 6/58 draw ay ginaganap tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Martes, Huwebes at Linggo naman ang Super Lotto 6/49. (IS)