Isang nakakatuwang milestone sa kanilang pamilya ang ibinahagi ni Alex Gonzaga nang makita ang kanyang ate na si Toni Gonzaga na karga ang kanyang bagong silang na baby.
Ibinahagi ni Alex ang kanyang reaksiyon matapos ang ilang taon na siya ang nakikipaglaro at nag-aalaga sa mga anak ni Toni.
Aniya, sa wakas ay turn na niya para makitang buhatin naman ng kanyang ate ang kanyang anak kaya opisyal na rin daw itong naging “tata”.
“After years of watching me play with her kids, it’s finally my turn to see my older sister carry my own baby,” sey ni Alex sa kanyang Facebook post.
“She’s officially a Tata now, too!!” dagdag niya.
May pahabol pa siyang biro sa kanyang Ate Toni: “Isaac is lucky to have you as her tata, ate!!! Kahit pang buong college tuition lang sisss.”
Isinilang ni Alex ang panganay nila ni Lipa City Vice Mayor Mikee Morada noong huling bahagi ng Agosto 2026.
Pinangalanan nila ang kanilang baby boy na Isaac Gerard. (IS)


