WebClick Tracer

Tiangco sinita paglipat ng petsa ng deliberasyon sa congressional budget

Sinita ni Navotas Rep. Toby Tiangco ang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos ilipat ang petsa ng deliberasyon sa budget ng Kamara at Senado na naging dahilan para hindi ito mabusisi.

Sa pagpapatuloy ng plenary deliberation sa P7.2 trilyong budget ng gobyerno sa 2027 nitong Lunes, September 21, 2026, tumayo si Tiangco para tanungin kung pinalitan ang petsa sa pagsasalang sa budget ng Congress na nagkakahalaga ng P27.89 billion.

“Madam Speaker gusto ko lang malamang kung bakit nilipat from September 24 ang budget ng House at naging September 17 po?” ani Tiangco na sinagot ni Sorsogon Rep. Bernadette Escudero na hindi lamang ang Congress budget ang inilipat ng petsa ng deliberasyon.

“No Madam speaker can you name other agencies that was move because on my record ito lang po ang nausod at na-advance na ahensiya,” sagot ni Tiangco na naging dahilan para suspendehin ni presiding speaker Janette Garin ang sesyon.

Ayon kay Garin , hindi lamang ang deliberasyon ng Congress budget ang naurong kundi maging ang Department of Tourism at Philippine Statistic Authority (PSA).

“Madam speaker DOT was move to a later schedule ang tanong ko bakit – kasi tingnan mo madam speaker – September17 po nun kasi meron pa naman nakaschedule ng 18 – 21 and22 at bakit sa dulo tayo huhugot madam speaker?,” giit ni Tiangco.

“Kasi bakit naman po maghahanda ang mga congressman na magdeliberate sa isang budget na tatalakayin pa September 24, “ paliwanag pa ni Tiangco kaya nagmosyon ito na ibalik ang Congress budget subalit hindi pinagbigyan dahil ang ganitong mosyon ay ginagawa isang araw pagkatapos isalang ang nasabing budget ng Kongreso.

Isa si Tiangco na gustong bumusisi sa Congress budget subalit wala ito sa bansa nang isalang ito sa plenary deliberation noong September 17, 2026.

Magugunita na agad na tinerminate ang plenary deliberasyon sa Congress budget dahil walang nakalistang interpelator, hindi lamang sa mayorya kundi sa minorya.

Sa nasabing halagang P17.623 bilyon dito budget ng House of Representatives o Kamara habang P7.7 bilyon ang pondo naman ng Senado; P1.9 bilyon sa Commission on Appoint, P264.2 million sa House of Representative Electoral Tribunal at P324.9 milyon naman sa Senate Electoral Tribunal. (Bernard Taguinod)