Inulan ng puna mula sa ilang netizens ang seryeng “Someone, Someday” na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at James Reid.
Ito ay matapos mapansin ng isang netizen ang eksena na magkaiba.
Sa Threads post ni @PilyangSweet92 o Rosie Buenaventura, ipinoste niya ang bowling scene nina Kathryn at James.
Mapapanood ang pag-glide ni Kathryn ng hawak nitong bola na kulay orange pero paglipat sa sumunod na eksena, naging kulay blue na ang bowling ball na tumama ng strike sa mga pin.
“Ano na (Ignacia network) @bernardokath, pinagloloko nyo ba ang manonood nyo? Hahah. Orange yung binato tapos yung naka-strike color blue? BWAHAHAHA”.
Sumawsaw ng tirada ang mga netizen sa comment.
“Asa pa ba tayo..matagal ng puchu pucho mga palabas ng dos. mind conditioning lang talaga mga trolls nila na magaling ang kapamilyucks.”
“Anlala ng continuity lol”.
“What do you expect sa sobrang flop na show”.
“Baka pagod na script con hahaha.”
“Kaya di ko to pinapanuod e.”
“Akala ata nila color blind tayo”.
“Akala nila TANGA ang mga AUDIENCE”.
Sinusulat ang item na ito wala pang tugon o paglilinaw ang production ng nasabing serye. (Rey Pumaloy)


