Binawi ng Senate impeachment court nitong Lunes ang naunang subpoena kay Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte para humarap bilang testigo sa impeachment trial ng kanyang kapatid na si Vice President Sara Duterte sa Setyembre 23.
Mag-iisyu ng panibagong subpoena kay Mayor Baste para humarap sa paglilitis sa susunod na linggo, Setyembre 28 hanggang 30.
Ayon kay presiding officer Sen. Chiz Escudero, kasama rin sa bagong subpoena sina Atty. Gary Samonte at Major Jerrickson Sangalang.
Inatasan si Mayor Baste at apat na iba pa na humarap sa Senate impeachment court bilang bahagi ng pagtuon ng prosecution team sa mga rekord ng gobyerno at mga korporasyong iniuugnay kay Vice President Sara.
Kasunod ito ng nakatakdang botohan sa Setyembre 23 hinggil sa pinagtatalunang conviction threshold, na nagbunsod ng pagbabago sa schedule ng mga testigo. (IS)


