Sinusulat ang article na ito, posibleng naghahanda na si Ai Ai delas Alas sa bagong challenge sa kanyang fitness journey.
Ito ang ‘Hyrox’, isang standardized global fitness race kung saan kailangang kumpletuhin ng competitors ang lahat ng mga exercise.
Hindi simpleng workout exercises ang pagdadaan ng mga sasali rito dahil nangangailangan ito ng stamina, power at endurance.
Lumipad kamakailan si Ai Ai para makipagpaligsahan ng Hyrox sa Rome.
Nakaposte ang pag-alis niya sa kanyang IG habang nasa sa airport patungong Rome.
Dito nya ibinahagi ang detalye ng kanyang paglahok.
Sabi pa nya sa message caption, “Next Stop: ROME! HYROX open Solo Women’s Division – one step, one breath, one finish line.
“Humble heart. Strong spirit. Let’s SLAY. To God all the glory and honor.”
May gustong patunayan si Ai Ai sa kanyang paglahok sa isa sa pinaka matinding exercises work-out race.
Sa edad nitong 61 posibleng nais ng komedyanteng maging inspirasyon sa ibang senior na, na malakas pa at kaya pa ring makipagsabayan sa mga mas bata.
Sa huling video post ni Ai Ai, nasa Abu Dhabi ito para sa kanyang layover, at saka didiretso ng Rome para sa kumpetisyon.
Dati nang sumalang si Ai Ai sa parehong race sa Hong Kong at nakumpleto naman nya ito.
Samantala, sa Hongkong rin kumarera sina David Licauco, Vince Maristela, husband and wife Troy Montero & Aubrey Miles, mag-asawang Isabelle Daza at Adrien Semblat, Solenn Heussaff at mister na si Nico Bolzico.
Sa Jakarta naman si Bubbles Paraiso at si Dominic Roque sa Bangkok noong nakaraang buwan. (Rey Pumaloy)


