WebClick Tracer

Jean Claude Saclag isang panalo na lang para sa Asian Games gold

Nagkaroon ng tsansa si Jean Claude Saclag na makakuha ng gintong medalya sa Asian Games matapos siyang umusad sa mixed martial arts men’s traditional -65kg final sa Aichi-Nagoya 2026 sa Japan.

Nakamit ni Saclag ang puwesto sa finals matapos talunin si Daisuke Murayama ng Japan via unanimous decision sa semifinals nitong Lunes, Sept. 21, sa Nagoya City Inae Sports Center.

Para sa gintong medalya, haharap naman si Saclag kay Otabek Rajabov ng Tajikistan sa gold medal match na gaganapin sa Martes ng hapon (oras sa Pilipinas). (IS)