Malaking ginhawa at pasasalamat ang naramdaman ng isang German national matapos mabilis na maibalik sa kanya ang kanyang passport, credit card, cash at iba pang mahahalagang gamit na hindi sinasadyang naiwan niya sa NAIA Terminal 1.
Kakarating lamang sa Pilipinas ng German national nang pumasok siya sa banyo ng Terminal 1.
Sa pagmamadaling makalabas ng terminal, hindi niya namalayang naiwan niya ang kanyang pouch na naglalaman ng mahahalagang gamit sa ibabaw ng hand dryer.
Agad namang napansin ng NAIA building attendant na si Fernando Lopez ang naiwan na pouch.
Mabilis niya itong itinurn-over sa Lost and Found upang matiyak na maibalik sa tunay na may-ari.
Tuwang-tuwa naman ang dayuhan dahil naibalik kaagad ang kanyang mahahalagang gamit.
“I would like to thank the gentleman who found my pouch,” aniya.


