Posibleng sumipa nang malaki ang presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggo.
Ayon sa isang industry source ng Bilyonaryo News Channel, batay sa kalkulasyon ng Department of Energy (DOE), maaaring tumaas ng P8.82 kada litro ang presyo ng diesel para sa period na September 22 hanggang 28.
Samantala, tinatayang P4.88 kada litro naman ang maaaring idagdag sa presyo ng gasolina, habang P6.47 kada litro ang posibleng itaas sa kerosene o gaas.
Gayunman, paunang kalkulasyon pa lamang ang mga nabanggit na halaga.
Sa ngayon, wala pang inilalabas na opisyal na price adjustment advisory ang mga fuel retailer para sa naturang linggo. (IS)


